Pirma na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay para maisabatas ang “National Press Freedom Day”.
Ito ay matapos i-adopt o pagtibayin ng Kamara ang bersyon ng panukala ng Senado bago mag-adjourn ang sesyon.
Sa ilalim ng panukala, isinusulong ang pagdedeklara sa Agosto 30 bilang National Press Freedom Day na pagkilala sa tinaguriang ama ng “Philippine Journalism” na si Marcelo del Pilar na ipinanganak noong Agosto 30, 1850.
Kapag naisabatas, ang National Press Freedom Day ay magiging “working holiday.”
Ang mga kaukulang ahensya ng pamahalaan at ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor ay kailangang maglaan ng panahon para sa pagdaraos ng mga aktibidad na may kinalaman sa National Press Freedom Day.