Sinimulan nang i-repack ng Army reservists sa Cagayan Valley ang relief goods na siyang ipamamahagi sa mga kababayan nating naapektuhan ng Bagyong Florita.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad, ang mga army reservist mula sa 201st Ready Reserve Infantry Battalion, 201st Community Defense Center at 2nd Regional Community Defense Group ang nanguna sa repacking ng nasa 300 food packs na ibibigay sa mga apektadong residente sa Cagayan Valley.
Una nang ipinakalat ang mga tauhan ng Phil. Army sa Cagayan Valley upang umagapay sa humanitarian assistance at disaster response.
Kasunod nito nagpapasalamat naman si Army Commanding General Lt. Gen. Romeo Brawner Jr., sa mga reservists dahil sa kanilang selfless dedication upang paglingkuran ang mga naapektuhan ng kalamidad.