Bilang ng mga bayan na tinamaan ng ASF sa Batangas, nadagdagan pa — DA

Nadagdagan pa ang mga munisipalidad sa Batangas na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF).

Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Spokesperson at Assistant Secretary Arnel de Mesa, kabilang sa mga apektado na ngayon ay ang Lobo, Calatagan, Lian, Talisay, Rosario, Lipa City at San Juan at Tuy.

Aminado ang DA na masyadong mabilis ang pagkalat ng ASF kung saan umabot na sa halos 40 na barangay ang natukoy na apektado ng sakit sa mga baboy.


Nasa 1,523 na mga baboy na ang naisailalim sa culling sa Batangas.

Abot sa isang milyon ang populasyon ng alagang baboy sa Batangas, kung saan katumbas ito ng 10% ng kabuuang populasyon ng alagang baboy sa buong bansa.

Facebook Comments