Patong-patong na kaso ang isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) laban sa ilang malalaking company na gumagamit ng mga pekeng resibo o ghost receipts.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., tinatayang nasa ₱17.9-B ang nawawala sa kita ng pamahalaan dahil sa hindi pagbabayad ng tatlong kompanyang inirereklamo.
Kabilang sa kinasuhan ay ang World Balance na gumagawa ng foot wear at iba pang company na may kinalaman sa bakal.
Kabilang sa mga kinasuhan ay corporate officers, accounting firms, at accountants ng mga kompanya.
Ani Lumagui, sindikato ang nasa likod ng bentahan ng mga pekeng resibo.
Aniya, ang kompanyang nasa likod ng World Balance ang nasa likod ng peke o ghost receipts.
Ngayon ay tuloy-tuloy ang operasyon ng BIR National Task Force – Run After Fake Transactions (RAFT) laban sa mga kompanya at indibidwal na lumalabag sa batas sa pagbabayad ng tamang buwis.