Carlos Yulo Day, idedeklara ng Maynila tuwing August 4; kalahating milyong cash incentives, ibibigay na ng Manila LGU mamaya kay EJ Obiena

Magkakaroon ng maikling programa ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Maynila sa Lunes, August 19 upang ibigay ang cash incentives sa two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, plano rin nilang magdeklara ng Carlos Yulo Day tuwing August 4 bilang pagbibigay pugay sa unang Pilipinong nakakuha ng double gold medal sa Olympics.

Napili naman ang August 4 dahil ito ang araw kung kailan nasungkit ni Yulo ang kaniyang unang gintong medalya.


Samantala, mamayang alas-5:00 ibibigay ang kalahating milyong pisong cash incentive sa Manileñong si EJ Obiena.

Ito ay dahil bukas ay aalis na patungong ibang bansa si Obiena habang punong-puno naman ang schedule ni Yulo.

Facebook Comments