Comelec, muling iginiit na hindi kayang i-regulate ang paggamit ng social media sa panahon ng halalan

Aminado ang Commission on Elections (Comelec) na wala pa silang kapangyarihan para i-regulate ang social media sa tuwing may eleksyon.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia sa pagdalo nito sa Kapihan sa Manila Hotel, sa ngayon ay wala pa silang magagawa kung sakaling gamitin ng isang kandidato ang social media sa halalan.

Aniya, kahit gumawa ng maraming account o magbayad ng mga troll ang isang pulitiko ay hindi ito mapipigilan o ipagbabawal ng Comelec dahil wala pang batas hinggil dito.


Dagdag pa ni Garcia, noong ginawa ang Omnibus Election Code ay wala pa ang social media kaya dapat daw ay gumawa na ng batas ang Kongreso hinggil sa pag-regulate ng social media sa mga kandidato sa panahon ng halalan.

Matatandaan na sa ilalim ng kasalukuyang Omnibus Election Code, tanging mga mainstream media tulad ng telebisyon, Radyo, mga magazine, dyaryo at iba pang mga babasahin ng publiko.

Sa huli, tanging magagawa lamang ng Comelec ay pairalin ang binuo nilang Task force kontra fake news sa panahon mg eleksyon.

Facebook Comments