Condominium unit na regalo kay Filipino gymnast Carlos Yulo, nai-turn over na

Naibigay na kay Filipino gymnast Carlos Yulo ang susi ng ₱32 million worth fully-furnished three-bedroom condominium unit sa McKinley, Taguig City.

Kasabay nito ang pagbibigay ng Megaworld Corporation ng tseke sa double gold medalist at ang tseke na nagkakahalaga ng ₱3 million.

Sa naturang turn over ceremony, sumakay si Yulo sa gondola papunta sa stage ng isang mall sa Taguig City kasama si Gymnastics Association of the Philippines (GAP) President Cynthia Carrion.


Nakatanggap din ng special artwork ang two-time Olympic gold medalist.

Mainit naman na sinalubong si Yulo ng mga tagahanga na matiyagang naghintay sa kaniya sa nasabing mall.

Facebook Comments