Ipinakita ng Bagyong Alyansang Makabayan (Bayan) ang effigy para sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tinatawag itong “Duter-tuko” isang malaki at 2D na effigy, at ginawa ng UGATLahi Artist Collective at Bayan.
Ayon kay UGATLahi Spokesperson Isis Molintas, inilalarawan ng effigy si Pangulong Duterte bilang tuko na gustong kumapit sa kapangyarihan.
Sinabi ng Bayan, ang huling limang taon ng Duterte Administration ay nagresulta ng pagbagsak ng ekonomiya, malawakang human rights violations at palpak na pandemic response.
Ksabay ng SONA ngayong araw, magma-martsa ang iba’t ibang progresibo at militanteng grupo para ipakita ang pagkadismaya sa mga ipinangako ni Pangulong Duterte na napako.
Ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) ay sasali rin sa Bayan protest.
Anila, nabigo ang Pangulo na itaas ang sahod ng mga gurpo