Dagdag-presyo sa ilang pangunahing bilihin, inaprubahan na ng DTI

Inaprubahan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hiling na taas-presyo ng mga pangunahing bilihin matapos mapako ng halos dalawang taon.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, naglalaro sa hanggang 7 percent ang inaprubahang price increase na katumbas ng hanggang P1.

Aniya, tumaas ang presyo ng raw materials kaya naaprubahan ang hiling ng mga manufacturer.


Kabilang sa mga may taas-presyo sa ilang basic goods:

Kape – 3 porsiyento o P0.15 kada pack
Gatas – 1 porsiyento o P0.50 kada pack
Sardinas – 3 porsiyento o P0.50 hanggang P0.75 kada lata
Canned meat – 4 hanggang 7 porsiyento o P0.75 hanggang P1 kada lata
Instant noodles – 3 hanggang 4 porsiyento o P0.25 hanggang P0.40 kada pack

Umaasa naman si Lopez na maunawaan ng mga consumer ang taas-presyo dahil ilang taon din namang napako ang taas- presyo ng basic goods.

Facebook Comments