Nalagdaan ang dalawang memorandum of cooperation sa pagitan ng Japan at Pilipinas matapos ang bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Prime Minister office sa Tokyo, Japan.
Sinaksihan mismo ng dalawang lider ang pagpirma sa dalawang memorandum of cooperation.
Batay sa ulat ng Japan-ASEAN Summit secretariat, ang unang memorandum of cooperation ay ang patuloy na ugnayan para magkaroon ng maagang conclusion sa negosyasyon para sa Reciprocal Access Agreement o RAA at para mas mapaganda pa ang kooperasyon ng Philippine Coast Guard at Japanese Coast Guard.
Pinirmahan mismo nina Philippine Coast Guard Commandant Ronnie Gil Gavan at Japan Coast Guard Commandant Ishii Shohei.
Nalagdaan din ang isa pang memorandum of cooperation na nagpapalakas sa ugnayan ng Pilipinas at Japan para sa energy transition at decarbonization, maging ang pagpapatuloy at promotion ng infrastructure cooperation.
Mismong si DENR Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga at Japan Minister of Environment Ito Shintaro.