
Sinalakay ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng Philippine National Police-Criminal Investigation Group at Detection Group (PNP-CIDG) ang isang travel agency sa 421 Punta II, Tanza–Trece Martires Road, Tanza, Cavite.
Partikular ang R and T Travel and Tours na sinasabing sangkot sa illegal-recruitment activities.
Ayon sa DMW, walang valid na lisensya mula sa departamento ang naturang travel agency para mag-recruit at mag-deploy ng mga Pinoy workers sa abroad.
Arestado naman ng mga otoridad ang suspek na nasa likod ng operasyon.
Pinasara na rin ng DMW ang tanggapan ng R and T Travel and Tours.
Facebook Comments










