DOH: Legal o iligal na mga paputok, parehong maaaring magdulot ng pinsala sa bawat indibidwal

Maaring magdulot ng pinsala sa ang bawat indibidwal na gagamit ng anumang uri ng paputok legal man o iligal.

Ayon kay Department of Health (DOH) Assistant Secretary Albert Domingo na sakaling magsindi ng legal na paputok ang isang indibidwal at maaksidente, pareho pa rin ang pinsala sa isang iligal na paputok.

Aniya, lahat ng mga paputok ay sumasabog.


Giit ni Domingo na iisa lang ang kahihinatnan nito kapag naputukan ang daliri ng isang indibidwal.

Lumalabas sa datos ng DOH na umakyat na sa 75 ang mga pinsalang nauugnay sa paputok, kung saan hindi bababa sa anim ang kailangang putulan ng daliri.

Ang ilan sa mga pinsala ay nasa humigit-kumulang 20% hanggang 30% ng kabuuang bilang ay kasama sa mga itinuturing na passive user o mga manonood lamang.

Una na rito, inaasahan ng ahensya na tataas pa ang bilang nito habang papalapit ang 2024 o pagsalubong sa Bagong Taon.

Facebook Comments