Full alert status para sa nalalapit na BSKE at Undas 2023, itataas na ng PNP

Simula alas-12:01 mamayang hatinggabi, naka-full alert status ang buong hanay ng Philippine National Police (PNP) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.

Kasunod nito, todo alerto na ang mahigit 187,000 puwersa ng pambansang pulisya sa iba’t ibang panig ng bansa para tiyaking ligtas, maayos, at mapayapa ang nalalapit na halalan.

Bukas ng umaga, pangungunahan ni PNP Chief, PGen. Benjamin Acorda Jr. ang pagpapasinaya sa Monitoring and Action Center sa Kampo Crame.


Kasunod nito, nakatakda namang magsagawa ng inspeksyon si Acorda sa iba’t ibang istratehikong lugar sa Metro Manila para alamin ang sitwasyon gayundin ang mga ginagawang paghahanda para sa eleksyon kasabay na rin sa papalapit na Undas.

Paalala pa ni Acorda sa mga pulis, na ipatutupad ang ‘No day off, No leave policy’ sa layuning masiguro na matagumpay na maidaraos ang magkasunod na aktibidad sa bansa.

Facebook Comments