Halos 100 PDLs mula sa iba’t ibang prison and penal farm, palalayain ng BuCor

Nakatakdang palayain ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nasa 97 na mga Persons Deprived of Liberty ( PDLs) mula sa iba’t ibang prison at penal farm sa bansa.

Ito’y kasunod ng pag-apruba ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa rekomendasyon ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr.

Ayon sa BuCor, ang pagpapalaya sa mga bilanggo ay ang mga nakapagsilbi ng 40 years sa loob ng bilangguan na may time allowance.


Narito ang 47 PDLs na makakalaya na ngayon, nasa 23 na PDL ang makakalaya mula sa Iwahig Prison and Penal Farm, 12 mula sa Sablayan Prison and Penal Farm, 6 mula sa Davao Prison and Penal Farm, 5 mula sa San Ramon Prison and Penal Farm at 4 mula sa Correctional Institution for Women.

Base sa listahan ng BuCor ang mga PDL ay nasentensiyahan ng reclusion perpetua o life imprisonment ngunit mayroon silang time allowance.

Lumagpas na kasi sa kanilang maximum sentence ang mga PDL batay sa probisyon ng Revised Penal Code (RPC) on time allowance.

Samantala, mas pinagtibay pa ng Department of Justice (DOJ) at BuCor ang Department Order 652 na nagrerebisa sa mga tuntunin at pamamaraan sa pagpapalaya ng mga PDL upang ma-decongest ang mga pasilidad ng mga bilangguan sa Pilipinas.

Facebook Comments