Umaabot na sa 32 bags o katumbas ng 14,400cc ng dugo ang nakukuha sa isinasagawang RMN Networks Dugtong-Buhay 2024 na ikinakasa sa Barangay Quinale, Paete, Laguna.
Karamihan sa mga nakolektang dugo ay mula sa mga volunteers na pawang mga on-the-job trainee (OJT) ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) habang may isang person with disability (PWD) din ang nag-donate.
Ang mga nasabing bags ng dugo ay gagamitin din sa mga pasyenteng mangangailangan nito lalo sa mga pampublikong hospital sa Paete.
Nabatid na ito na ang ikatlong taon ng ikasa ang Dugtong Buhay ng RMN Foundation kung saan isa sa mga pangunahing layunin nito ay makatulong sa mga pasyenteng mangangailangan ng dugo lalo na ang mga may malubhang sakit.
Bukod dito, magkakasa rin ng blood donation drive ang RMN Foundation sa buwan ng Mayo bilang bahagi ng selebrasyon ng World Red Cross Day.
Nagpapasalamat naman ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Paete sa ginawang aktibidad ng RMN Foundation katuwang ang Philippine Red Cross dahil maraming residente nila ang makikinabang nito.