Iba pang mga baril ni PLtCol. Mark Julio Abong, ipinasusuko na ng QCPD

Ipinasusuko na rin ni Quezon City Police District Director PBGen. Redrico Maranan kay PLtCol. Mark Julio Abong ang iba pa niyang baril.

Si PLtCol. Abong ay nahaharap ngayon sa patong-patong na kasong kriminal at administratibo.

Kabilang sa pinasusuko ni Maranan ay ang dalawa pang pistolang baril na hawak nito.


Ito ay matapos mapag-alaman sa PNP Firearms and Explosives Office na paso na ang mga lisensya ng mga baril.

Ayon sa QCPD chief, sakaling hindi isuko ni Abong ang mga armas, mismong ang PNP ang magtutungo sa kanyang lugar upang kumpiskahin ang mga ito.

Una nang pinayagan ng Quezon City RTC Branch 221 na makapagpiyansa Si Abong para sa mga kasong iligal na pagpaputok ng baril, paglabag sa gun ban sa ilalim ng Omnibus Election Code, maltreatment, at direct assault.

Facebook Comments