Binigyan ng pagkakataon ang mga vendor sa paligid ng Simbahan ng Quiapo na makapagtinda.
Ito’y mula ngayong unang araw ng Biyernes hanggang sa darating na Linggo.
Partikular na pumuwesto ang mga vendor sa Carriedo, Carlo Palanca, at Villalobos na entrance o pasukan ng mga deboto.
Pagsapit naman ng Lunes o bisperas ng Traslacion ay kinakailangan nakaligpit o bakante na ang kanilang puwesto.
Dahil nabatid na inaasahang milyun-milyong deboto ang makikibahagi sa kapistahan ng Poong Itim na Nazareno kung saan nais ng lokal na pamahalaan ng Maynila at pamunuan ng Simbahan ng Quiapo na ligtas at maging maluwag ang kalsada.
Pinakiusapan naman ng mga tauhan ng Manila Local Government Unit (LGU) ang mga vendor na kung maaari ay igilid o ipuwesto sa bangketa ang mga paninda upang hindi makasagabal sa mga deboto.