Isa sa mga kongresista na napaulat na bumabatikos sa House Speaker, dumistansya na

Dumistansya si Camarines Sur 3rd District Representative Gabriel Bordado Jr., hinggil sa isyu ng pag-atake laban kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at House Committee on Appropriations Chair Zaldy Co.

Ito’y matapos na ihain ang writ of injunction laban sa 2024 General Appropriations Act (GAA).

Matatandaan na si Representative Bordado, kasama ni Representative Mujiv Hataman, ay kasama umanong lumagda sa writ na ipinasa ni Albay Representative Edcel Lagman sa Korte Suprema noong nakaraang linggo.


Sa ginanap na media forum sa Maynila, ipinaliwanag ng isa sa mga tauhan ng kongresista na sa inisyal na draft ng writ, hindi kasama ang usapin laban kay House Speaker Romualdez at Co na nais ipatanggal sa posisyon.

Nabatid na tutol si Bordado sa mga planong paninira sa mga kapwa kongresista, pero isa sa mga senior staff nito ay nagpadala ng kanyang electronic signature kay Lagman kahit hindi ito aprubado.

Dahil dito, lalong magiging komplikado ang usapin partikular sa patuloy na legal challenge laban sa 2024 GAA, na nagha-highlight sa mga salimuot na political landscape.

Facebook Comments