Palalakasin ng Japan ang kooperasyon ng Pilipinas, sa pagpanatili at pagpapaigting ng malaya at bukas na international order na nakabatay sa rule of law kung saan nabibigyang proteksyon ang dignidad ng sangkatauhan.
Pagbibigay diin ni Japan Prime Minister Fumio Kishida, na ang Japan at Pilipinas ay parehong maritime nations at strategic partners na nagbabahagihan ng fundamental principles at values.
Ayon pa kay Kishida, na sa harap ng komplikadong international situation at lumalalim na area of security, nagkasundo sila ng isang probisyon para sa coastal surveillance assistance.
Sa pamamagitan din aniya ng reciprocal agreement access agreement (RAA), ay nagkasundo silang palakasin ang trilateral agreement ng Japan, Estados Unidos, at Japan upang maitaguyod ang pagsasaayos at pagpapabuti pa ng maritime capabilities ng Pilipinas.
Sinabi pa ni Prime Minister Kishida, pareho sila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nag-aalala sa mga nangyayari sa East at South China Sea at batay aniya sa nakikita nila ay hindi ito katanggap-tanggap.