2K NA FOOD AND NON FOOD ITEMS NA BAHAGI NG AUGMENTATION NG PNP AT DSWD RO1, IPINAMAHAGI SA PANGASINAN POLICE PROVINCIAL OFFIC

LINGAYEN, PANGASINAN – Matapos ang ginawang MOA signing a pagitan ng Philippine National Police Regional Command ukol naman sa preposition Food and Non-Food Items o FNFI sa mga piling Regional Command and Police Provincial Offices, ang tanggapan ng DSWD Field Office 1 ay namahagi ng abot sa dalawang libong (2,000) Family Food Packs (FFPs) sa Police Provincial Office, Lingayen.

Bilang isa sa mga partner-agencies sa Response Operations, titiyakin naman ng PNP ang kaligtasan, kalinisan, at tamang bentilasyon para sa wastong pag-iimbak ng mga relief item.

Ang mga Prepositioned FFP ay magsisilbing namang augmentation o mga handang relief items na pagdaragdag sa mga operasyon ng PNP sa gitna ng pandemya at sa mga disaster-affected population.


Samantala, ang ibang satellite offices ng DSWD partikular sa Pangasinan ay mga nakahanda namang mga food and non-food items sakaling kailanganin.

Facebook Comments