Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na idi-dismiss na ng komisyon ang tinatayang dalawang libong kaso ng election offenses.
Sa press briefing, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia awtomatikong idi-dismiss ang dalawang libong election cases at ito aniya ang nilalaman ng minute resolution ng komisyon.
Aniya, ang mga naturang kaso ay isinampa mula pa noong 2007 hanggang 2013.
Nilinaw ni Garcia na kailangang resolbahin na ang mga nabanggit na kaso lalo na at nalalabag na rin ang karapatan sa speedy trial ng mga inirereklamo habang ang iba ay moot and academic na.
Ayon kay Garcia, ang mga naturang kaso ay maaari pang iapela ng mga complainant sa Comelec en Banc.
Anumang oras ngayon ay ilalabas ng COMELEC ang minute resolution hinggil dito.