Plano ng Department of Tourism (DOT) na dagdagan pa ang mga tourist rest areas sa bansa ngayong taon.
Ayon sa DOT, ito ay bahagi ng kanilang programa para mapalakas pa ang turismo sa Pilipinas kung saan balak nilang magpatayo ng nasa 20 tourist rest area ngayong 2024.
Matatandaang sinabi ni DOT Secretary Christina Frasco na sa bawat pasilidad ito ay may lawak na 300 square meters kung saan maaring magpahinga o mamili ang mga turista ng mga produktong gawang Pinoy.
Samantala, magkakaroon din ng information center at mga palikuran ang nasabing rest areas para sa komprtableng biyahe ng mga turista.
Sa huling datos ng DOT, nasa 10 tourist rest areas na ang kanilang naipatayo noong 2023.
Facebook Comments