Muling isasailalim sa yellow alert ang Luzon at Visayas grid ngayong araw dahil sa manipis pa ring reserba ng kuryente.
Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), nasa yellow alert ang dalawang rehiyon mula ala-una nang hapon hanggang alas-onse ng gabi.
Ayon sa NGCP, mayroong labing-walong power plants sa Luzon ang nasa forced outage habang tatlo ang tumatakbo sa limitadong kapasidad.
Sa Visayas naman, labingtatlong power facilities ang may unscheduled shutdown at limang iba pa ang nag-o-operate sa mas mababang kapasidad.
Una nang inilagay sa red at yellow alerts ang Luzon at Visayas grids kahapon na umabot hanggang alas-onse ng gabi dahil sa manipis na suplay ng kuryente bunsod ng pagpalya ng 21 planta.
Facebook Comments