Ma. Corrina Canoy Feeding Program, naging matagumpay sa Las Piñas City

Halos hindi maipinta sa sobrang kaligayahang nadarama sa mukha ng mga batang mga benipisyaryo sa isinagawang Maria. Corrina Canoy Feeding Program na ginanap sa TS Cruz Covered Court, Almanza Dos Las Piñas City.

This slideshow requires JavaScript.

Halos 1,000 mga bata ang nakiisa sa isinagawang Ma. Corrina Canoy Feeding Program na dinaluhan ni House Deputy Speaker Camille Villar.


Ayon sa RMN Foundation, ang kalusugan ng mga bata ang pinakamahalaga, kaya naman patuloy ang paghatid ng RMN Foundation ng program para matiyak ang sapat na nutrisyon ng mga kabataang Pilipino.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Villar sa isinagawang Ma. Corrina Canoy Feeding Program alinsabay sa ika-11 anibersaryo ng RMN Foundation Inc., na nagsimula kaninang 8:00am-10:00am sa TS Cruz Covered Court, Almanza Dos sa Las Piñas City.

Ang naturang Ma. Corrina Canoy Feeding Program ay sa pakikipagtutulungan ng Maynilad, Unique Toothpaste, ACS Shield Soap at Villar SIPAG.

Naging matagumpay ang feeding program dahil nakuha ang target ng RMN Foundation na halos 1,000 mga batang benepisaryo ang nakinabang sa isasagawang Ma. Corrina Canoy Feeding Program.

Facebook Comments