Sen. Chiz, nasa maayos na kalagayan matapos ma-high blood

Tiniyak ni Sorsogon Representative Marie Bernadette Escudero na maayos ang kondisyon ng kalusugan ng kaniyang kapatid na si Senator Francis “Chiz” Escudero.

Pahayag ito ni Representative Escudero kasunod ng mga balitang kumalat dalawang linggo na ang nakaraan na may nangyaring masama kay Senator Chiz at isinugod sa ospital.

Paglilinaw ni Congresswoman Escudero, na-high blood lang ang kaniyang kapatid na senador dahil marahil sa sobrang init ngayon ng panahon kaya nagpa-check-up ito sa ospital at ngayon ay okay na okay na ang kalagayan.


Sa katunayan, ayon kay Representative Escudero, nakaka-10,000 steps na uli si Senator Escudero kada araw.

Ayon kay Representative Escudero, hinikayat niya ang kapatid na magsalita sa publiko tungkol sa nangyari sa kanya pero idinahilan nito na senador lang naman siya at hindi naman siya presidente para magpaliwanag pa.

Kahit maayos na ang kalagayan, ay hiniling naman ni Representative Escudero na ipagdasal pa rin ang kanyang kapatid.

Facebook Comments