Mahigit 700 pasahero, stranded sa iba’t ibang pantalan dahil sa pananalasa ng Bagyong Enteng at Habagat

COURTESY: Philippine Ports Authority

Nasa 739 na mga pasahero ang stranded ngayon sa ilang pantalan sa CALABARZON at Region 5 o Bicol Region dahil sa paghagupit ng Bagyong Enteng at Habagat.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, pinakamaraming stranded na pasahero ay mula sa Bicol region sa 679 at 60 ay mula sa CALABARZON.

282 rolling cargoes, 22 barko, at 4 na motorbancas ang pinigilang maka-biyahe dahil sa sama ng panahon.


Kaugnay nito, pinapayuhan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga biyahero na wag muna magpunta sa pantalan, at hintayin ang abiso ng mga awtoridad upang maiwasang ma-stranded.

Samantala, nananatiling mababa ang datos mula sa NDRRMC kumpara sa ibang ahensiya ng pamahalaan dahil ito ay dumadaan pa sa beripikasyon.

Facebook Comments