Mahigit 700,000 na mga Pilipino, nabakunahan na ng first dose ng COVID-19 vaccines

Photo Courtesy: PTV

Mahigit 700,000 na mga Pilipino na ang nabakunahan ng COVID-19 vaccines sa ilalim ng COVID-19 Vaccination Program Act ng pamahalaan.

Sa pagdinig ng Committee on Health, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na 702,362 na mga Pilipino na ang naturukan ng Sinovac at AstraZeneca COVID-19 vaccines.

Ang mga nabigyan ng unang dose ng bakuna ay pawang mga healthcare workers at senior citizens na napapabilang sa Priority Group A.


Nasa 698,353 na health workers ang nabigyan ng COVID-19 vaccines kung saan 272,430 ay nabigyan ng Sinovac at 425,923 naman ang naturukan ng AstraZeneca.

Aabot naman sa 4,009 ang bilang ng mga senior citizens ang nabakunahan na pawang mula sa National Capital Region (NCR).

Hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga, mahigit 1.1 million ng COVID-19 vaccines pa ang natitira sa imbentaryo ng Department of Health (DOH).

Facebook Comments