Manila-LGU, mamamahagi ng facemask sa mga deboto sa Quirino Grandstand at Quiapo Church

Inihayag ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na mamamahagi sila ng facemask para sa mga hindi makapagdadala na dadalo sa pagpupugay na gagawin sa Quirino Grandstand at sa mga misa na idaraos sa Quiapo Church.

Ayon kay Mayor Lacuna-Pangan, oobligahin na nila ang mga deboto na magsuot ng facemask bilang pag-iingat sa COVID-19.

Ayon sa alkalde, nakapagbigay na sila ng inisyal na 40,000 facemask para sa mga pulis na ipakakalat upang magpanatili ng seguridad sa Traslacion 2024.


Nang tanungin si Mayor Lacuna hinggil sa mga kumukwestyon sa pagkasa nila ng Nazareno 2024 sa harap ng tumataas na kaso ng COVID-19, sagot ng alkalde, “Opinion nila iyon”.

Giit niya, mismong mga deboto ang nagnanais na matuloy ngayong 2024 ang Traslacion.

Dagdag pa ni Lacuna, may gabay ng Department of Health (DOH) ang kanilang pasiya at batay sa kanilang pagtaya ay mababa ang mga naitatalang kaso ng COVID.

Facebook Comments