May direktiba si Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na magsagawa nang mas malalim na imbestigasyon kaugnay sa kaso ng pagpatay sa isang barangay chairman sa Caloocan City.
Ayon kay PNP chief, hanggang ngayon ay hindi pa rin tukoy ang salarin sa pamamaril na ikinamatay ng biktimang si Jerry Apostol, Chairman ng Barangay 143 at sa asawa nito na nasugatan sa insidente.
Sinabi ni PNP chief, iniimbestigahan na nila ang lahat motibo sa pamamaslang para matukoy ang salarin sa krimen.
Kaugnay nito, inutos rin ni PNP chief sa lahat ng police units na mas paigtingin ang kampanya laban sa mga loose fire arms at private armed groups para mapigilan ang mga ganitong klase ng krimen.