Mga barko ng China na namataan sa WPS, muling dumami

COURTESY: Philippine Coast Guard

Napapalibutan na ng mga barko ng China ang Pag-asa Islands at Sabina Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Sa huling datos na inilabas ng Philippine Navy, 71 barko ng China na binubuo ng 53 Chinese Maritime Militia Vessel (CMMV), siyam na People’s Liberation Army Navy (PLAN) at siyam na China Coast Guard Vessel (CCGV) ang na-monitor sa Sabina Shoal mula Aug 27 hanggang Sept 2.

Malaki ang itinaas nito mula sa 53 barko ng China na na-monitor sa lugar mula Aug. 20 hanggang Aug. 26.


Umakyat din ang bilang ng mga barko ng China na na-monitor sa palibot ng Pag-asa Islands sa 52 mula Aug 27 hanggang Sept 2, mula sa 35 na na-monitor noong nakalipas na linggo.

Sa pangkalahatang, 203 barko ng China ang na-monitor sa iba’t ibang features na kontrolado ng Pilipinas sa WPS na mas mataas mula sa dating na-monitor na 163 na mga barko ng China.

Facebook Comments