Mga impounding area ng LTO, palalawigin para sa mga mahuhuling kolorum sa Pebrero

Naghahanda na ang Land Transportation Office (LTO) sa panghuhuli sa mga tradisyunal na jeepney sa February 1 na bigong makapag-consolidate sa PUV modernization.

Sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza na magkakaroon ng expansion o palalawakin nila ang kanilang impounding area.

Paliwanag pa ni Mendoza, magbubukas din sila ng mga bagong impounding area para ma-accommodate ang inaasahang dami ng mga mahuhuli.


Samantala, sinabi naman ni Office of Transportation Cooperatives Chairman Andy Ortega na maglalabas sila ng listahan ng mga kooperatiba para sa mga driver na hindi nakapag-consolidate ang kanilang mga operator.

Sa ganitong paraan ay tuloy pa rin ang kanilang trabaho at makakabyahe sa mga rehistrarong ruta.

Gayunman, sakaling magkaroon ng mga protesta ay handa sila rito dahil bahagi ito ng kanilang karapatan.

Facebook Comments