Sang-ayon ang mga kongresista sa pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na pag-aralan munang mabuti ang posibilidad na isabay sa 2025 midterm elections ang plebesito para sa economic Charter change (Cha-cha).
Ayon kay Davao Oriental 2nd District Rep. Cheeno Miguel Almario, bagama’t praktikal nga kung pagsasabayin ang mga ito ay kailangan pa rin tingnan mabuti kung mayroong malalabag na batas.
Sang-ayon din si Anakalusugan Party-list Ray Reyes na silipin munang mabuti ang legalidad kung isasabay sa halalan ang plebesito para sa pag-amyenda sa 1987 constitution.
Sabi naman ni South Cotabato, 2nd District Rep. Peter Miguel, dapat maging komprehensibo ang pag-aaral dahil maaring may mga naunang desisyon ang Supreme Court na nagbabawal sa sabayang pagdaraos ng plebestito at eleksyon.