Mga mangingisda, matagumpay na naisagawa ang fluvial protest kasabay ng ika-8 anibersaryo ng 2016 Arbitral ruling

PHOTO: PAMALAKAYA-Pilipinas

Hindi tumitigil ang mga mangingisda sa pagsusulong ng karapatan ng mga Pilipino sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa sa West Philippine Sea (WPS) laban sa mga dayuhan.

Matagumpay na isinagawa ng 50 mangingisda at mga tagasuporta sa Subic, Zambales ang ‘fluvial protest’ kasabay ng ika-8 anibersaryo ng 2016 arbitral ruling.

Ipinanawagan ng mga ito sa China na kilalanin ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration para mapayapang maresolba ang isyu sa karagatang sakop ng Pilipinas.


Itoy sa kabila ng pagkapanalo ng Pilipinas, walong taon na ang nakalilipas laban sa China, patuloy pang tumataas ang tensyon sa karagatan.

Iginiit din ng grupo ang karapatan ng mga Pilipinong mangingisda sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc at iba pang bahagi ng EEZ na bantay sarado ng Chinese vessels.

Apela ng mga mangingisda ang suporta sa publiko at patuloy na itaguyod ang karapatan ng bansa sa pamamagitan ng dayologo at ihinto sa militarisasyon ng China at Estados Unidos.

Facebook Comments