Pinalaya ng mga awtoridad ang ilang mga Pilipino na nagta-trabaho sa sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bamban, Tarlac.
Ito’y matapos na lumabas sa imbestigasyon na wala silang kinalam sa mga iligal na gawain ng naturang POGO hub.
Base sa ulat ng mga prosecutors ng Department of Justice (DOJ), pinayagan lumabas ang mga pinoy sa POGO compound matapos malaman na ang iba sa kanilang ay biktima lamang din ng panloloko.
Sa pahayag ni DOJ Prosecutor Ramoncito Bienvenido Ocampo Jr., nirecruit ang mga Pilipino sa social media para magtrabaho bilang call center agent.
Pinangakuan ang iba sa kanila ng sweldo na nasa higit P20,000.00 kada buwan pero pero gagamitin lang pala sila sa love scam.
Giit ng mga prosecutor ng DOJ, ang iba sa mga nirecruit ay nagta-trabaho bilang maintenance, tagaluto, at nagse-serve sa canteen.
Plano naman ng DOJ na tulungan ang mga Pinoy na magsampa ng kaso hinggil sa usapin sa trabaho kung saan inihahanda na rin ng mga prosecutors ang kasong human trafficking at serious illegal detention sa may-ari ng POGO.
Ayon naman kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Chief Usec. Gilbert Cruz, nasa higt 300 pinoy ang pinalaya sa nasabing POGO hub habang may walong iba ang naiwan na tatayo bilang mga testigo.