2nd Batch ng Joint Peace and SecurityTeam nagtapos na!

317 commissioned officers at enlisted personnel ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police at mula sa Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na napabilang sa 2nd batch ng Joint Peace and Security Team (JPST) ay matagumpay na nagtapos ng kanilang training sa Camp Brigadier General Salipada K. Pendatun sa Parang, Maguindanao.

Kabilang sa highlights ng seremonya ay ang skill demonstration ng piling JPST at awarding ng certificates at medals para sa mga namumukod tanging estudyante.

Ang trainees at binuo ng 150 BIAF members, 77 sundalo ng AFP at 90 mga pulis ng PNP.
Ang isang buwang training ng mga ito ay nagsimula noong October 21, 2019.
Ang JPSTs, ang naatasan para sa seguridad ng mga lugar na sumasailalim sa normalization track ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).


Ang military training sa MILF members ay upang makatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Bangsamoro Community.(Daisy Mangod)
BIAF Pic

Facebook Comments