2nd batch ng mga Aklanon repatriated OFWs darating bukas

21

Kalibo, Aklan — Bukas na darating sa probinsya ng Aklan ang 2nd batch ng mga Aklanon repatriated OFWs.
Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon Jr., Provincial Health Officer I ng PHO-Aklan ay kinabibilangan ng 9 na mga OFWs ang nasabing batch.
Anya, ngayong araw nakatakta ang mga ito na darating sa Bacolod City galing Maynila at mula Bacolod City ay tatawid sila papuntang Iloilo.
Susunduin ang mga ito ng sasakyan na itinalaga ng OWWA at saka rin sila susunduin ng sasakyanat mga tauhan ng PDRRMO-Aklan pauwi ng Aklan.
Pagdating nila sa Aklan ay agad rin silang idederetso sa Marzon Hotel sa Brgy. Andagao na itinalaga bilang Quarantine Facility.
Kung matandaan na una ng dumating sa probinsya ang 37 na mga OFWs kung saan uuwi na rin ang mga ito sa kani-kanilang pamilya matapo na mag negatibo maliban sa isa.

Facebook Comments