2nd batch ng mga tripulanteng Pinoy na sakay ng oil tanker na inatake ng mga rebelde sa Red Sea, nakauwi na ng bansa

PHOTO: Overseas Workers Welfare Administration/Facebook

Nakauwi na ng bansa nitong Biyernes ang ikalawang batch o ang anim pang Filipino crew ng oil tanker na M/T Wind, na inatake ng mga rebelde na Houthi.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), dumating ang mga nasabing Pilipinong tripulante sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa pamamagitan ng Philippine Airlines flight PR512.

Matatandaang tinamaan ng anti-ship missile mula sa Houthi rebels ang naturang barko noong ika-18 ng Mayo na patungo sana sa China mula sa Black Sea port ng Russia.


Walang nai-ulat ang nasaktan o nasawing indibidwal sa naturang insidente kaya nagpatuloy lamang ang kanilang biyahe.

Nagpaabot naman ng OWWA sa mga bumalik na mga crew ng barko ng financial aid, pagkain, at accommodation.

Facebook Comments