2ND BLAST | 2 rescue boat pinasabugan sa Masbate Port

35

Masbate City – Nasira ang dalawang rescue boats matapos na pasabugan sa bisinidad ng Masbate Port kaninang madaling araw.

Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo humigit kumulang 100 meters ang layo mula sa PCG station kung saan ang floating assets matatagpuan ang dalawang aluminum boats at army’s bagong biniling rescue boat na nasira kung saan ang army boat ay totally wrecked habang ang isang PCG aluminum boat ay nagkaroon lamang ng minor damage.

Paliwanag ni Balilo na nakita ng isang saksi na bago nangyari ang pagsabog isang maliit na motorized banca ang namataan paikot-ikot sa naturang bisinidad.

Patuloy pa rin iniimbestigahan ng PCG ang naturang insidente.

Facebook Comments