2nd booster sa general population, hindi dapat ibigay dahil lamang sa malapit nang ma-expire ang ilang COVID-19 vaccines, ayon sa isang health expert

Hindi magbibigay ang gobyerno ng second booster dose kontra COVID-19 sa general population dahil lamang mae-expired ang mga ito.

Sa Laging Handa public press briefing, iginiit ni infectious diseases expert Dr. Edsel Salvaña na miyembro ng Department of Health o DOH- Technical Advisory Group na walang saysay na magbigay ng second booster dose sa general public na wala namang ebidensya o basehan na mabisa ito para sa kanila.

Dapat aniya na masunod ang mga basehan na may makukuhang benepisyo ang mga tuturukan nito at kaysa ang dahilan na malapit na kasi ito mapaso kaya kailangan na iturok.


Sa ngayon, sinabi ni Salvaña na kulang pa kasi ang mga pag-aaral para sabihin na mabisa at pwede nang mabigyan ng second booster dose ang general population.

Paliwanag pa ni Salvaña, ang meron lang ebidensya sa ngayon ay mabisa ito para sa mga 60 taong gulang pataas at sa mga immunocompromised individual.

Facebook Comments