2nd booster shot sa general population, matatagalan pa bago aprubahan

Hindi pa prayoridad sa ngayon ang pagbibigay ng 4th dose o 2nd booster shot sa healthy at general population.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Rontgene Solante, infectious disease expert na napatunayan kasi na sapat na sa ngayon ang proteksyong ibinibigay ng primary doses at 1st booster shot.

Paliwanag ni Dr. Solante, saka-sakali man aniyang magrekomenda ang mga health expert ng 2nd booster dose sa healthy at general population ay magiging variant-specific booster ito.


Sa ngayon, tanging ang mga pasyenteng nakatanggap ng organ transplant, mga taong umiinom ng gamot para sa kanilang immunosuppressives, nagkaroon ng kidney transplant, cancer patients, HIV/AIDS patients, mga pasyenteng mayroong chronic dialysis gayundin ang mga taong may primary immunodeficiency at mga mahihina ang immune system ang tuturukan ng 4th dose simula sa susunod na linggo.

Hindi pa kasama sa mga mabibigyan ng 2nd booster shot ang mga medical health worker, senior citizens at iba pang kabilang sa A3 o may comorbidities dahil patuloy pa itong pinag-aaralan ng Health Technology Assessment Council.

Facebook Comments