Nagkaroon ng konting kalituhan ang ilang mga nagpapabakuna sa 2nd dose ng AstraZeneca makaraang baguhin ang vaccination site nito.
Base sa unang abiso ng Pasay Local Government Unit (LGU), ang mga nababakunahan ng 1st dose ng AstraZeneca noong August 31 ngayong taon sa Cuneta Astrodome ay naka-schedule silang bakunahan ngayong araw Oktubre 12 sa naturang vaccination site.
Pero sa hindi malamang kadahilan ay nabago ang venue ng vaccination site kaya’t maraming mga nabakunahan ang nagtungo sa Cuneta Astrodome dahil hindi nila alam na nailipat pala sa Timoteo Paez Elementary School ang venue ng ikalawang dose ng AstraZaneca.
Pinayuhan ng LGU ang mga nabakunahan ng 1st dose ng AstraZeneca na magtungo lamang sa T. Paez para sa mabakunahan ng 2nd dose.
Humingi rin ng paumanhin ang Pasay LGU sa konting kalituhan dahil sa hindi nila inaasahan na mangyayari ang ganitong insidente pero umaasa ang publiko na gagawin nila ang lahat upang maserbisyuhan ang lahat ng mamamayan ng Pasay.