2nd generation ng bakuna kontra dengue, posibleng maaprubahan na sa Pilipinas ngayong 2024

Posibleng maaprubahan na ngayong taon ang 2nd generation ng bakuna kontra dengue sa Pilipinas.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Health Sec. Ted Herbosa na 2023 pa nang mag-apply ng Certificate of Product Registration (CPR) para sa bakunang Q-denga ang Japanese vaccine manufacturer na Takeda.

Kalimitan aniyang tumatagal ng isang taon ang pag-aaral at pag-apruba ng Food and Drug Administration sa bakuna, kung kaya’t posible na ring nailabas ang CPR ng dengue vaccine ngayong 2024.


Pero ayon kay Herbosa, para tuluyang masolusyunan ang dengue, bukod sa bakuna, kailangan ng vector control o pagbabawas sa mga lamok na may dalang dengue, lalo na sa dengue season ngayong tag-ulan.

Dahil dito, nakikipag-ugnayan na aniya ang DOH sa Wolbachia program para sa kanilang metodolohiya na ginagamit na sa ibang bansa.

Sa naturang programa, may inilalagay na bacteria sa mga babaeng lamok upang hindi na ito ma-infect ng dengue at hindi na ito mailipat sa mga tao.

Facebook Comments