Nakapagtala ang Department of Health (DOH) kahapon ng 18,528 panibagong kaso ng COVID-19.
Ito na ang ikalawang pinakamataas na naitalang kaso sa bansa, sumunod sa naitalang 19,441 daily COVID-19 cases nitong sabado.
Dahil dito, umaabot na sa 1,954,023 ang kabuuang kaso kung saan 143,221 ang active cases.
Nadagdagan naman ng 17,922 ang mga gumaling dahilan para umabot sa 1,777,693 ang kabuuang recoveries.
Habang sumampa na sa 33,109 ang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ng 101 kahapon.
Nananatiling operational ang lahat ng mga laboraroryo pero pito ang hindi nakapagpasa ng ulat sa COVID-19 Document Repository System.
Facebook Comments