2ND ISABELA PMFC, MULING UMARANGKADA SA PAGHAHATID NG TULONG

Cauayan City – Tuluy-tuloy ang ginagawang pagpapalalim sa samahan at ugnayan sa pagitan ng kapulisan at komunidad sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kabi-kabilaang outreach programs sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Isabela.

Nito lamang ika-23 ng Hulyo, muling umarangkada ang 2nd Isabela Police Mobile Force Company katuwang ang Angadanan PS at iba pang ahensya sa paghahatid ng tulong sa Brgy. Calaocan, Angadanan, Isabela.

150 indibidwal na residente ng nabanggit na Barangay ang naging benipesyaryo kung saan sila ay nakatanggap ng libreng serbisyo at mga kagamitan katulad ng libreng gupit, mga damit, libreng punla, at mga food packs.


Maliban rito, nagsawaga rin ng Tree Planting Activity ang hanay ng kapulisan kasama ang mga residente sa kanilang barangay.

Layunin ng aktibidad na bukod sa ipadama ang presensya ng kapulisan sa komunidad ay makapaghatid rin ng kaalaman patungkol sa iba’t-ibang batas at mga programa ng gobyerno para sa kanila.

Facebook Comments