2ND ISABELA PMFC, NANGUNA SA IPPO UNIT PERFORMANCE RATING

Cauayan City – Nanguna ang 2nd Isabela Police Mobile Force Company sa Isabela Police Provincial Office Unit Performance Evaluation Rating para sa buwan ng Hulyo.

Ito’y matapos makakuha ng 99.89% ratings kaya naman sila ang itinanghal bilang Number 1 Sa Provincial Mobile Force Company sa lalawigan ng Isabela.

Personal namang tinanggap ng Force Commander ng 2nd IPMFC na PLTCOL Avelino Canceran ang kanilang parangal kahapon, ika-19 ng Agosto sa Isabela
PPO, Camp Lt. Rosauro Toda Jr., Ilagan City, Isabela.


Ang tagumpay na ito ay isang patunay ng dedikasyon at buong pusong paghahatid serbisyo ng kanilang hanay sa publiko.

Facebook Comments