*Cauayan City, Isabela- *Patuloy ang isinasagawang internal security operations, Anti Criminality at pagbibigay ng seguridad sa mga mahahalaga at malalaking aktibidad ang pamunuan ng 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company (IPMFC).
Sa ekslusibong panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay Police Lieutenant Vicente Orquia Jr, Platoon Leader ng 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company (IPMFC) ng PNP na nakabase sa Lungsod ng Cauayan, maigting anya ang kanyang pagbabantay sa kanilang nasasakupan partikular sa ikatlo at pang-apat na Distrito ng Lalawigan ng Isabela.
Bukod dito, abala rin anya ang kanilang tanggapan sa pagsasagawa ng outreach activity gaya ng medical at dental mission, bloodletting activity, program feeding at pagbisita sa mga paaralan katuwang ang pwersa ng AFP.
Kaugnay nito, patuloy rin ang kanilang pakikipagtulungan sa mga otoridad sa pagmamanman sa mga iligal na gawain ng New People’s Army (NPA).
Kabilang na rito ang kanilang nagawang accomplishments sa pagkakahuli ng dalawang miyembro ng NPA sa bayan ng Jones, Isabela.
Dagdag pa ni P/Lt Orquia Jr., mas lalo pa nilang paiigtingin ang pagbibigay seguridad lalo na ngayong nalalapit na halalan.