Daang mga former Moro Islamic Liberation Front Combatants ang nakatakdang sasailalim sa unang araw ng 2nd Phase ng Decommisioning.
Gagawin ang aktibidad sa Old Provincial Capitol Ground sa Simuay Sultan Kudarat Maguindanao ayon pa kay BGen. Francisco Ariel Felicidario III Deputy Commander for Peace Process ng Western Mindanao Command sa naging panayam.
Kasama sa mga sasailalim sa proseso ang mga armas ng mga MILF Combatants na nagmumula sa Lanao Area.
Inaasahang magiging bisita para saksihan ang aktibidad ang mga opisyales mula Office of the Presidential Adviser on the Peace Process , AFP, MILF mga Local Chief Executives at mismong si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Chief Minister Ahod Ebrahim.
Ang Decommisioning ay bahagi ng Normalization Process sa pagitang ng pamahalaan at MILF na naglalayun ng pagkakaroon ng katiwasayan at kaginhawaan sa BARMM dagdagni Gen. Felicidario.
Matatandaang noong September 7, 2019, mismong si Presidente Rody Duterte ang naging bisita sa isinagawang decommissioning process sa Maguindanao.
OPAPP File PIC