MANILA – Simula pa lang naging mainit na patutsadahan ng apat na kandidato sa ikalawang Pili-Pinas Debate 2016 sa University of the Philippines Cebu, kahapon.Una ng nag-abiso si Sen. Miriam Defensor Santiago na hindi siya makakadalo dahil sasailalim ito sa isang clinical trial na bagong gamot kontra cancer.Halos dalawang oras naman naantala ang debate dahil sa kagustuhan ni VP Binay na magdala ng mga dokumento sa entablado.Ayon kasi kay Binay, mas maipapaliwanag niya ng mabuti sa publiko ang kanyang mga punto kapag naipakita niya ang kanyang mga dokumento.Inamin naman ni TV5 news chief at host moderator na si Luchi Cruz Valdez, na pinayagan nilang magdala ng notes si Binay.Sa kabila nito, sinabi ni Valdez na hindi siya nasabihan at hindi niya alam ang Comelec rules hinggil sa pagdadala ng notes.
2Nd Presidential Debate, Mahigit Isang Oras Naantala
Facebook Comments