2nd quarter ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, isasagawa ngayong umaga

Nananawagan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa publiko na makiisa sa 2nd quarter ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).

Magsisimula ang programa ng alas-8 ngayong umaga sa Greenfield District, Mandaluyong City.

Ganap namang alas-9 ng umaga isasagawa ang ceremonial pressing of button na syang hudyat para isagawa ang duck, cover and hold.


Ang aktibidad ay dadaluhan ng mga opisyal ng DOST, DILG, DSWD, NEDA, MMDA, OCD, Mandaluyong Local Government Unit (LGU), at Greenfield Development Corporation.

Layon nitong maging handa ang lahat sa tinaguriang “the big one” na maaring mangyari anumang araw dulot ng paggalaw ng west valley fault.

Maaring makilahok ang publiko sa pagsubaybay sa live-streaming ng Office of Civil Defense at NDRRMC sa kani-kanilang Facebook pages.

Facebook Comments