2nd tranche ng fuel excise tax, posibleng ipatupad sa ikalawang linggo ng Enero

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Finance (DOF) na posibleng sa ikalawang linggo pa ng Enero maipatupad ang dagdag na excise tax sa produktong petrolyo.

Ayon kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino, malabo pang maipatupad sa January 1 ang dagdag excise tax dahil may imbertaryo pa ng langis ang mga oil companies.

Aniya, kailangan munang ubusin ng mga oil companies ang kanilang lumang stock bago ipatupad ang bagong presyuhan sa langis.


Batay kasi sa TRAIN Law, paiiralin ang P2 na dagdag na excise tax sa kada litro ng gasolina at krudo sa unang araw ng 2019 habang may P1 ang dagdag sa LPG at kerosene.

Facebook Comments